We were texting a while ago, but you didn't reply anymore.
Until now, hinihintay ko pa rin ang reply mo. Importante sa akin ang magiging sagot mo sa tanong ko sa'yo. Kung mahal mo pa ba siya kahit nahuli mong nagtetext sila ng ex nya at ini-entertain pa nyang manligaw ulit yung ex nya sa kanya. Pero naisip ko tuloy, bakit hindi, at never, naging issue sa inyo that we are texting each other. Ex mo rin naman ako ah.
Ano kaya sinabi mo sa kanya at feeling ko, assured siya sa relationship n'yo. Sinabi mo ba sa kanya na hanggang friends nalang talaga tayo? Sinabi mo ba sa kanya na you just treat me now as a bestfriend? Sinabi mo ba sa kanya na wala na talagang chance na magkabalikan tayo? Sinabi mo ba sa kanya na wag siya magselos kasi... kasi... kasi never mo naman talaga ako minahal kaya there's no chance in this world of us getting back together?
Ano man dun ang magiging sagot mo, magiging masakit pa rin sa akin. I can not think of any reason kung bakit hindi, at never, talaga nagselos girlfriend mo sa akin. Hindi ko rin naman masasabing hindi s'ya selosa kasi ultimo kaklase mong bading, pinagseselosan nya. Ang hindi lang, pamilya mo, mga kaibigan mong lalake, at AKO. Ba't ganun?
Bakit pumapayag siya palagi pag ako ang nagpapaalam para sa'yo tuwing gumigimik tayo? Bakit pumapayag siya kaagad pag sinabi mo na pupunta ka dito sa bahay kasi wala akong kasama? Bakit okay lang sa kanya pag dito ka matulog pag ginagabi tayo sa paglalakwatcha? Bakit hindi siya nagseselos na kapag namamasyal kayo, palagi mo kong binibilhan ng pasalubong? Bakit parang wala lang sa kanya that time na you had to leave her at her birthday party kasi you had to buy me pizza because I was craving for it? Bakit hindi, at never, n'ya akong pinagselosan? Bakit? Bakit kaya?
Oo, masama na ako, kasi ngayon, naiisip ko tuloy na kaya ganun siya sa'yo at sa akin kasi gusto pa n'ya ex n'ya, and she's planning to go back to him. Sana ganun nga. At sana maisip mo rin na balikan ako 'cause I've been waiting for you since February 19, 2002.
Twenty minutes na nagdaan, hindi ka pa rin nagrereply. Kung sabihin mo man na mahal mo pa rin s'ya kahit ginago ka na n'ya, saludo ako sa'yo. Kaya mo pala maging isang martyr, kagaya ko. Kung sabihin mo na hindi mo na s'ya mahal kasi hindi mo matanggap na ginawa n'ya sa'yo yun, gago ka. Tanggapin mo dahil yun yung totoo. Kung sabihin mo man na hindi ka nasaktan sa ginawa n'ya tapos okay din lang sa'yo na magkabalikan sila ng ex n'ya dahil gusto mo ring makipagbalikan sa ex mo... Aba! Ibang usapan na yan. I'll just pray na sana ako ang tinutukoy mo na "ex". Hehehe! Pero pwera biro, ano man ang magiging sagot mo sa text ko sa'yo, rerespituhin ko yun kasi buhay mo yan. Hindi ako mangengealam.
Ganyan naman talaga role ko sa buhay mo. Taga bigay lang ng advice pero never nangengealam. Ganyan kasi ako magmahal, pinapabayaan ko na yung tao mismo makakadiscover ng mga mali nya. Alam mo naman yun, di ba? Alam mo yun kasi minahal, at mahal pa rin, kita.
Magreply ka na. Wala talaga akong idea kung ano isasagot mo sa text ko, pero excited akong malaman 'to.