Oo nga, napansin ko rin na di na ako masyado nakapag-blog. Medyo naging busy lang sa mga bagay bagay. Pasensya na.
So if you guys think that this entry will be about the undying love I have for my ex, well then nagkakamail kayo. From this entry and so on, I will not talk about it na. Or at least I'll try not to. Lol. Sabihin nalang natin na natauhan na nga ako, and hindi pa rin ako makapaniwala na I was being stupid for 6 long years. Tang ina.
Oo, pagod na akong magmahal ng taong hindi sensitibo sa feelings ng iba. Inaamin ko, nagbubulag-bulagan lang ako kasi akala ko, I can go on with the feelings I had for him inspite of everything, pero hindi pala. Pagod na akong mag kunwari na isa akong butihing kaibigan kahit alam kong he was just taking my kindness for granted.
Pagod na akong gawin ang mga gusto nyang gawin kahit di ko trip. Pero dahil trip nya, pinipilit ko ang sarili kong masabayan siya, kasi nagbabakasakali ako na marealize nya that we had some things in common.
Pagod na akong saluhin siya sa lahat ng problema nya sa pamilya, eskwelahan, mga kaibigan, at lovelife. Pagod na akong magpaalam sa nanay nya tuwing meh mga out-of-town trips kami. Pagod na akong gumawa ng mga projects at assignments nya at i-tutor sya. Pagod na ako sa pag-aalaga sa kanya pagnalalasing siya tuwing inuman. Pagod na akong isakripisyo ang nararamdaman ko para lang makita siyang masaya sa piling ng iba.
Pagod na pagod na ako, utang na loob.
I made my world revolve around you for quite a long time already and I think I have grown now. I surrendered my feelings not because I don't love you anymore but because I got tired of putting you first instead of myself. There were several times when I just unintentionally forget about me because I had to think of you first. Pinabayaan ko na sarili ko, and it isn't good anymore. I must love myself before anything else.
Sa mga oras na kinelangan mo ako, lagi akong nasa tabi mo. Pinagtiyagaan kita, but then I now realize that you were just simply taking me for granted kasi alam mo na hindi kita kayang iwanan sa ere noon. Pero eto na, I'm leaving you behind because I'm leaving my past behind and you're a part of it.
Pero gusto ko pa rin na maging magkaibigan tayo. Pero hanggang doon nalang talaga. I'm drawing the line kasi alam ko na yan ang nararapat. Tang ina, I could've done this way before. But yeah, I'm cool about it na. Accepted ko na na hanggang dito nalang talaga.
Friends. Nothing more, nothing less.
At kahit bolahin mo pa ako ng abot langit, I won't fall for it anymore. Never.