Nasaan ka? Ba't dalawang araw ka ng hindi nagtetext? Ba't pag tumatawag ako sa inyo, parating wala ka. Break na daw kayo, sabi ni Elle? Totoo ba? Hinahanap kita kasi gusto kita i-comfort, pero hindi kita mahagilap. Cellphone mo parating off. Nasaan ka ba?
I want to do my role as a friend, and nothing else. Promise, hindi ako magpapa-cute sa'yo. Gusto ko lang malaman mo na kahit papano at ano man ang mangyari, you'll always find a friend in me. My shoulders are ready for you to cry on, Love.
Magpakita ka na kung ready ka na hah? Alam mo kung nasaan ako naghihintay.
Alam ko kelangan mo ng makausap.